BEWARE: Insurance co. in MALLS, swipes credit card, charges 85K

Alvin Elchico, ABS-CBN News; Posted at Sep 16 2017 07:59 PM; "Insurance company, inireklamo: P85-K, agarang na-charge sa credit card ng babae"Inireklamo ng isang babae ang isang health insurance company dahil sa umano'y agarang pag-charge ng malaking halaga sa kaniyang credit card.

Nagsisisi si alyas "Janica" kung bakit pumayag siyang i-swipe ang credit card para sa inalok na health insurance sa isang mall.

Kuwento niya, sinabihan siya na sasailalim pa sa proseso at hindi isang bagsak na mahigit P85,000 ang icha-charge sa kaniyang credit card.

Kinabukasan, pumunta agad sila sa opisina ng naturang insurance company para ipakansela ang transaksiyon pero hindi na umano puwede.

Ayon naman sa bangkong nag-issue ng credit card kay Janica, kayang ikansela ang nasabing transaksiyon.

Idinulog din ng "Tapat Na Po" sa Insurance Commission ang problema.
Sabi umano sa kanila ng Medocare, mismong si Janica naman ang nag-swipe ng card na dinokumento nila.

Nagpasabi rin anila ang insurance company na kanselado na ang transaksiyon kaya wala nang isyu.

Bagaman naayos na ang problema, nag-iwan naman ito ng mapait na leksiyon kay Janica.