Tanong ng netizen, "Puwede bang kasuhan kung 5K lang ang utang?"


Opo, puwede pong kasuhan ang taong 'yan. Hindi po nakabase sa laki ng inutang ang karapatan ninyong singilin ang nangutang sa inyo.

Ayon sa batas, ang pagpapautang ay puwede ring tawaging "loan." Kung pera ay hiniram, "mutuum" ang tawag dito. Obligasyon ng mangungutang na ibalik ang kaniyang inutang, kahit magkano pa ito.

Kanyangalang, hindi ito dadaan sa ordinaryong proseso ng korte. Dahil hindi tataas sa 200,000 pesos ang inyong sinisingil, papasok ito sa tinatawag na "small claims." Ibig nitong sabihin ay mayroon lang kayong mga papeles na fi-fill out-an sa pinakamalapit na municipal trial court sa inyong lugar. Marami pang rekisitos ang pagfa-file ng "small claims" kaya magpunta sa pinakamalapit na Public Attorney's Office para malaman ang iba pang mga detalye. Isa pang kailangang tandaan ay ang patakaran na dapat dumaan ang paniningil sa barangay para maisaayos ito ng mas mabilis at upang hindi na kailangan pang pumunta sa husgado.