Saan pupunta kapag biktima ng krimen?

Hindi po maling pumunta sa Public Attorney's Office (PAO) para humingi ng legal advice at magpa-assist sa pagfa-file ng criminal complaint sa Office of the (City) Prosecutor (OCP). Maaari rin po kayong magpunta deretso sa OCP; ang OCP po ay tinatawag ding "Fiscal's Office."

Wala pong bayad ang pagfa-file ng criminal complaint dahil ito po ay trabaho talaga ng gubyerno. Kaya lang, kapag po nagpagawa kayo ng criminal complaint sa isang pribadong abogado, may bayad po ang "drafting," "printing" at "notarization."