Ang mga desisyon ng Korte Suprema na tumutukoy sa pagpapairal o pagpapakahulugan ng mga batas at ng Saligang Batas ay bahagi ng kaayusang legal ng Pilipinas. Sa ibang sabi, kapag naglabas ng hatol ang Korte Supreme sa kung ano ang ibig-sabihin ng mga batas at ng Saligang Batas at kung paano ito dapat ipatupad, ang nasabing hatol ay may katulad na pwersa at epekto ng batas na tinutukoy nito.
