Sinumang may karapatan ay may kapangyarihang isantabi o ipaubaya ang kanyang karapatan, maliban na lang kung labag ang pagsasantabing ito o pagpapaubayang ito sa batas. Ibig lang sabihin ay maaaring itakda ng batas na hindi puwedeng talikdan ang karapatan. Bukod dito, hindi rin maaaring isantabi o ipaubaya ang karapatan kung kontra ang pagwawaksing ito sa pampublikong kaayusan, patakarang pampubliko, moralidad o magandang kaugalian, at hindi rin maaari kung magpapahamak ito sa ibang tao na may karapatang inaalagaan ng batas.
