COA: P1.3-billion 4Ps benefits NOT given to poor

A senator urged the Department of Social Welfare and Development (DSWD) to investigate whether the poorest of the poor families are benefiting from the government’s Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sen. Bam Aquino made the call after the Commission on Audit (COA) reported that around P1.3 billion were left unclaimed by 1.9 million individual beneficiaries in 2017.

In its audit report, the COA stressed that the lapse of time that beneficiaries failed to claim their grants showed that they were not in severe need of the subsidy, which cast doubt on the eligibility of the listed beneficiaries.

“Sa totoo lang, imoral iyong may pondo pero hindi naibabahagi sa mga kababayan nating naghihirap,” said Sen. Bam, who plans to file a resolution to ensure that the poorest of the poor benefit from the 4Ps program.

Sen. Bam suggested that the DSWD should review the list of beneficiaries under the 4Ps program to make sure that they belong to the poorest of the poor or are really in need of government assistance.

“Hindi tama na nakatengga lang ang pondo para sa tulong habang nalulunod na ang marami sa taas-presyo,” Sen. Bam stressed. “Sayang naman ang pondo na maaaring pakinabangan ng iba pa nating mahihirap na kabababayan.

Also, Sen. Bam renewed his call to the government to fully implement the social mitigating measures under the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

As of now, the government has yet to complete the roll out of the unconditional cash transfer (UCT) program for poor Filipino families and the Pantawid Pasada Program, which aims to help jeepney operators and drivers cope with the increase in oil prices.

“Ngayong lalong tumataas ang inflation rate, higit na kailangan ng ating mahihirap na kababayan ang tulong mula pamahalaan. Huwag na natin silang pag-antayin pa,” stressed Sen. Bam, one of four senators who voted against the ratification of the TRAIN Law.

In an effort to lower prices of goods, Sen. Bam has filed Senate Bill No. 1798 or the “Bawas Presyo Bill” to roll back and suspend the excise tax on fuel under the TRAIN Law when average inflation surpasses the annual inflation target over a three-month period.
Sen. Bam: Natatanggap ba ng mahihirap ang tulong pinansiyal ng gobyerno?

Hinikayat ng isang senador ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na imbestigahan kung ang pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ang nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

Ginawa ni Sen. Bam Aquino ang panawagan matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na tinatayang nasa P1.3 bilyon ang hindi pa naki-claim ng 1.9 milyong indibidwal na benepisyaryo noong 2017.

Sa audit report nito, iginiit ng COA na dahil naantala ang pagkuha ng mga benepisyaryo ng tulong, ibig sabihin ay hindi nila ito gaanong kailangan. Dahil dito, nahaluan ng duda ang eligibility ng mga nakalistang benepisyaryo.

“Sa totoo lang, imoral iyong may pondo pero hindi naibabahagi sa mga kababayan nating naghihirap,” wika ni Sen. Bam, na planong maghain ng resolusyon upang matiyak na ang pinakamahihirap na pamilya lang ang nakikinabang sa 4Ps program.

Ipinanukala ni Sen. Bam na dapat muling busisiin ng DSWD ang listahan ng benepisyaryo sa ilalim ng 4Ps program upang matiyak na kabilang sila sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino at totoong nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.

“Hindi tama na nakatengga lang ang pondo para sa tulong habang nalulunod na ang marami sa taas-presyo,” giit ni Sen. Bam. “Sayang naman ang pondo na maaaring pakinabangan ng iba pa nating mahihirap na kabababayan.

Kasabay nito, muling iginiit ni Sen. Bam sa pamahalaan na ipatupad nang buo ang tulong sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa ngayon, hindi pa nakukumpleto ng gobyerno ang pagpapatupad ng unconditional cash transfer (UCT) program para sa mahihirap na pamilyang Filipino at ng Pantawid Pasada Program, na layong tulungan ang jeepney operators at drivers na kayanin ang pagtaas sa presyo ng krudo.

“Ngayong lalong tumataas ang inflation rate, higit na kailangan ng ating mahihirap na kababayan ang tulong mula pamahalaan. Huwag na natin silang pag-antayin pa,” giit ni Sen. Bam, isa sa apat na senador na kumontra sa ratipikasyon ng TRAIN Law.

Bilang bahagi ng pagnanais na mapababa ang presyo ng bilihin, inihain ni Sen. Bam ang Senate Bill No. 1798 o ang “Bawas Presyo Bill” na layong suspindihin at i-rollback ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.#

SOURCE: Sen. Bam: Natatanggap ba ng mahihirap ang tulong pinansiyal ng gobyerno?; Senate of the Philippines via Facebook; MONDAY, AUGUST 13, 2018; https://www.facebook.com/notes/senate-of-the-philippines/sen-bam-natatanggap-ba-ng-mahihirap-ang-tulong-pinansiyal-ng-gobyerno/2008275339196737/

Popular Posts