Buwis ng negosyante, self-employed professionals

Read more: ABS-CBN News. ALAMIN: Buwis ng negosyante, self-employed sa ilalim ng TRAIN. Posted at Mar 01 2018 06:59 PM. news.abs-cbn.com/business/03/01/18/alamin-buwis-ng-negosyante-self-employed-sa-ilalim-ng-train.

Sa unang taon ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, may mga kaunting pagbabago umano sa buwis ng mga negosyante at self-employed professionals.

The Tax Reform for Acceleration and Inclusion or TRAIN Law

Kailangang magbayad ng value-added tax (VAT) ang mga negosyante kada buwan, habang "quarterly" naman ang pagbabayad sa percentage tax sa ilalim ng TRAIN Law, ayon kay Dr. Marina Concepcion-De Guzman, regional director ng BIR Revenue Region No. 7. Ito ay sa pagtalakay sa percentage tax at VAT sa programang 'Usapang de Campanilla' sa DZMM nitong Miyerkoles.

Bago ipatupad ang nasabing batas nitong Enero, buwanan umano ang pagbabayad ng percentage tax.

Dagdag pa ni De Guzman, mas mababa na umano ang withholding tax ng single propietorship, professionals, at mga negosyante."Eight percent na lamang po ang withholding tax. Before, P720,000 and below, ang withholding tax is 10 percent, in excess of P720,000, 15 percent na. Wala na po 'yun, [flat rate] na pong 8 percent," ani De Guzman.

Samantala, kapag lumampas naman umano sa P3 milyon ang kinikita kada taon, kailangan umanong magbayad ng 12 percent na VAT.

Sa Mayo 15 umano ang huling araw ng pagbabayad ng individual income tax ng mga negosyante at self-employed professionals para sa unang quarter ng taon.

Sa mga maghahain naman ng income tax return para sa taong 2017, sa Abril 16 umano ang huling araw ng pagbabayad ng buwis.

Pinayuhan naman ni Atty. Rufino 'Raffy' Cantaro, hepe ng VAT Audit Section, ang mga maghahain ng income tax return na magbayad na nang maaga kung gagamitin ang online system ng ahensiya.

"'Wag tayong mag-sabay sabay mag-file on due date or deadline, baka hindi kayanin ng ating system. Ngayon pa lang, umpisahan na natin mag-file ng ating income tax returns," payo nito.

Read more: ABS-CBN News. ALAMIN: Buwis ng negosyante, self-employed sa ilalim ng TRAIN. Posted at Mar 01 2018 06:59 PM. news.abs-cbn.com/business/03/01/18/alamin-buwis-ng-negosyante-self-employed-sa-ilalim-ng-train.