Karapatan ng kabit sa property ng asawa?
Ayon po sa ating Batas Pamilya (Family Code), kapag wala pong prenuptial agreement na nagsasabi ng iba, ang property relations po ng magasawa ay "absolute community of property." Ang ibig-sabihin po nito ay pagmamayari ng kasal ang lahat-lahat ng dinala ng magasawa sa kasal at lahat ng kinita, naipon at nabili sa panahon ng kanilang pagsasama bilang magasawa. Maliban na lang po kung may komplikasyon, gaya ng, siguro, ay pagiging business partners nila ng kabit niya, wala pong karapatan ang kabit sa pagmamayari ng inyong asawa. Marami pa pong komplikasyon ang batas tungkol dito kaya maaari po kayong humingi ng payo sa pinakamalapit na Public Attorney's Office (PAO) sa inyong lugar.