BATAS: Mga kasambahay, dapat bigyan ng 13th month pay

SOURCE: Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa). Mga kasambahay, makatatanggap ba ng 13th month pay sa ilalim ng batas? December 12, 2019 - 12:00am. DEAR ATTORNEY. Philippine Star. www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2019/12/12/1976338/mga-kasambahay-makatatanggap-ba-ng-13th-month-pay-sa-ilalim-ng-batas.

May karapatan ang ating mga kasambahay sa 13th month pay alinsunod sa Republic Act No. 10361 o Batas Kasambahay. Malinaw na nakasaad sa Section 25 ng nasabing batas: "The domestic worker is entitled to a thirteenth month pay as provided for by law." Ibig sabihin ay may karapatan ang mga kasambahay na makatanggap ng 13th month pay katulad ng ibang empleyado.

Nakasaad naman sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Batas Kasambahay kung magkano ang matatanggap na 13th month pay ng mga kasambahay.

Ayon sa Section 8, Rule IV ng nasabing IRR ay hindi bababa sa katumbas ng 1/12th ng kabuuang sahod na natanggap sa nakaraang taon ang matatanggap na 13th month pay ng isang kasambahay. Kaya kung nakabuo ng 12 buwan na serbisyo ang kasambahay ay katumbas ng isang buwang sahod ang kanyang magiging 13th month pay. Nakalagay rin sa IRR na kailangang isang buwan nang namamasukan ang kasambahay para makatanggap siya ng 13th month pay.

Popular Posts