Consumer sued Lazada over 11.11 sale, won 114.80 pesos

So, the decision arrived in the mail today. I won against Lazada! Read more: Butch Evarola. January 10, 2020. www.facebook.com/talk2butch/posts/10216699565021330.

Ganito ang nangyari. Noong 11.11 sale, tulad ng karamihan, ay nakipuyat din ako sa pagsahod sa voucher rain at sa pag-“add to cart”. Haha! Bumili ako ng tatlong items sa isang LazMall seller at dalawa doon ay ang naging dahilan ng aking reklamo: Lanyard finger strap, P287.10; at Silicone cable tie, P198.00. Akala ko nakatipid ako kasi mukhang malaki ang discount. Pero ang laking gulat ko kinabukasan (November 12), nang tingnan ko kung magkano na ang presyo ng mga binili ko. Yung lanyard ay naging P281.30 at yung cable tie ay bumaba sa P98.00. Scam!

Nag-file ako ng complaint sa DTI noong Nov. 17 at nagpatawag sila ng Mediation Conference noong Nov. 21. Dumating ako at dumating din ang Lazada. Tinanong ako ng Lazada, di raw ba ako nagbabasa ng Terms and Conditions? “Prices are subject to change without prior notice” sabi raw doon. Pero ang sagot ko, “May ganon ba habang may 11.11 Sale? Hindi ba pwedeng maabuso yun ng seller?” Ano raw ba talaga ang gusto ko, sabi ng Lazada. Sabi ko “gusto kong magmulta kayo kasi nalabag ninyo ang consumer rights ko”. May baon akong Art. 50 ng Consumer Act of the Philippines kaya matapang ako. Di nagpatinag. Hehe. Yun, “Failure of Mediation” ang kinalabasan. Tinanong ako ng Mediator kung itutuloy ko ang kaso sa Adjudication. Sabi ko itutuloy ko.Nagsubmit ako ng notarised position paper sa Adjudication Division noong November 29. December 5 naman nagsubmit ang Lazada (lagpas na sa deadline pero tinanggap pa rin ng DTI).

Hinihintay ko na ngayon ang matatanggap kong P114.80 mula sa Lazada. Haha! Mas mahal pa ang nagastos ko para sa Grab at sa pagpapanotaryo pero okay lang. Natalo ko ang Lazada at naipaglaban ko ang aking karapatan bilang konsyumer! At magmumulta sila.

"This is a Consumer Complaint for an alleged violation of the provisions of the Consumer Act of the Philippines." Lazada was ordered to refund the complainant P114.80 and pay an adminsitrative fine of P5,000.00.

Read more: Butch Evarola. January 10, 2020. www.facebook.com/talk2butch/posts/10216699565021330.

Read more: Butch Evarola. January 10, 2020. www.facebook.com/talk2butch/posts/10216699565021330.

Popular Posts