Administrative justice explained

Reynold Villania is a celebrity lawyer and police officer on Facebook. His goal is to empower police officers and citizens through legal education. He educates the public, especially his fellow policemen, through his informative social media posts and discussions. Read more: Reynold Villania (2019). Parusa. July 7, 2019. fb/reynoldvillania/photos/a.1605583939707996/2301465620119821. He is the Legal Officer of Camarines Norte Provincial Police Office, Region 5. (reynold.villania@yahoo.com).

Sa ilalim ng administrative law, ang kasong administratibo ay isang kaso na kung saan ang biktima ay ang ahensiya ng gobyerno, gaya ng PNP. Ang nagre-reklamo ay testigo lamang nito, sa kadahilanang kapag ang isang kawani ng gobyerno ay lumabag sa regulasyon, sa mata ng batas, ang unang-unang nasaktan ay ang gobyerno, pangalawa lamang ang nagrereklamo. Ito ay sapagkat, kapag lumabag sa batas ang kawani, ito ay nagdudulot ng pagkawasak ng reputasyon at tiwala ng taong bayan sa gobyerno na kritikal na kailangan sa pamamahala nito.

Ang layunin ng parusa ay hindi lamang para mabigyan ng hustisya ang nagrereklamo at mabigyan ng aral ang kawani para sa mas magaling na pagbibigay ng serbisyo publiko. Higit sa anupaman, ang parusa ay dapat na ibinibigay nang nasa isip ang kapakanan ng gobyerno. Ang parusa ay pwedeng magbigay ng positibo o negatibong epekto sa empleyado, na sa kalaunan, apektado ang serbisyo publiko.

Sa madaling sabi, sa pagbibigay ng parusa ng ating mga summary hearing officers, dapat ang kanilang nasa isip, higit sa anupaman, ay kung ano ang epekto nito sa PNP.

Magkakaroon ba ito ng positibong o negatibong epekto sa pulis o sa ahensiya o mas lalo lang na lalala ang problema. Mali ang pananaw na ang layunin ng parusa ay para lamang na parusahan ang pulis dahil may nagawa itong kasalanan at mabigyan ng hustisya ang nagrereklamo.

Halimbawa, bakit isu-suspinde kung sapat naman ang reprimand o warning. Bakit idi-demote kung sapat naman ang suspensyon. Bakit idi-dismiss kung sapat naman ang demotion. Bakit maximum penalty o period kung sapat naman minimum. Ang dismissal ay dapat doon lang sa mga pulis na gumawa ng napaka-seryosong paglabag na ang kaniyang pananatili ay magsisilbing negatibo sa PNP at sa mga kawani nito.

ALSO READ: LAWYER-COP VILLANIA EXPLAINS 'INITIAL VIOLATION'